Una sa Balita

Sino ang sakop ng Maceda Law?

0 480

Dear Atty. Claire.

Magandang araw po sa inyo magtatanong lang sana ako tungkol sa kinansela naming house and lot.

Na-acquire namin ang nasabing property last june 2016 at nakapagbayad kami ng downpayment in cash, insurance, home owner membership at one month in house amortization.

Bale ang total amount na naibigay namin sa developer ay around 420K. Kinausap namin ang developer para  sa cancellation, at sa ngayon  ay dalawang buwan na kaming tumigil sa pagbabayad  dahil sa hindi pa nila nasisimulan ang pagdevelop at dapat at matapos ito ng December 2016.

Bumalik po ang misis ko sa opisina ng deve­loper upang itanong kung meron kaming puede ma-irefund ang sagot nila wala raw, dahil hindi kami nagbayad 24 month na downpayment at hindi daw kami sakop ng RA 6552.

Totoo po ba ito at saka pa paano ba ang legal na paraan para sa pagkakansela ng nasabing property?

 Lubos na gumagalang,   
 Arnie

Arnie,
Totoo na hindi kayo sakop ng RA 6552 o mas kilala bilang Maceda Law dahil ayon sa batas na ito ay mabibigyan ng proteksyon ang mga buyer in installment basis kapag nakapagbayad na ng 2 years installments.

Dahil sa hindi ka sakop ng RA 6552 ay ipapayo ko na ang gamitin mong batas na ayon sa sitwasyon mo ay ang Civil Code kung saan binibigyan ng karapatan ang isang party na ipawalang saysay ang kontrata kung hindi nakatupad o hindi na makakatupad ang kabilang party sa kanyang obligasyon.

Sa sitwasyon mo, kung ang developer ang may pagkukulang ay makukuha mo nang buo ang naibayad mo at maaari pang humiling ng interes.

Ngunit kung ikaw lamang ang aayaw sa kontrata ng walang pagkukulang galing sa developer ay maaari kang singilin ng danyos para sa loss of opportunity to earn, etc..

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 76 24 o 922 0245 o  mag email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy