Una sa Balita

Sino?

By
0 318

Sinong government official ang sinampahan ng kaso sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil sa pagtanggap ng regalo mula sa pribadong indibidwal.

Ayon sa sinumpaang salaysay ng nagre­reklamo, si ‘go­vernment official’ ay tumanggap mula sa kanya ng halagang 100 libong piso at isang mamahaling cellphone.

Pinagbabawal sa RA 6713 o ang Ethical Standards Act for government official ang pagtanggap ng anumang uri regalo, pera o bagay, mula sa pribadong tao o kompanya.

CLUE: 1. Lalaki. 2. Ang kanyang pangalan ay may letrang ‘E’. 3. Ang kanyang apelyido ay may letrang ‘E’
Lord Kayo na po ang bahala.

BALITAWIT:

DOON LANG (No­noy Zuniga)
Kung natapos lang sana ang mga hukay
Disin sana’y wala nang madadamay
Na iuulat sa sa’yo at magyayabang!

Sa panaginip lang yata ‘to matitikman
Plano at solusyon ay tila ba wala
Hagonoy at Bacoor ay parang may sumpa
Ang aking ina ang tangi kong taga-limas
At si Ama ay namamangka don sa labas

REFRAIN:
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng tambak
Doon ay kaya kong igapos dumi at ebak
Doon ay kaya kong ihagis, ibuhos ang lahat!
Sa estero lang kita tinatapon t’wina
Doon lang!

Kung ‘di dahil sa basura ay tapos na nga
Ang mga kalye na kung minsan hindi nakikita
Sa balitawit kong ito niyo lang madarama
Mga pangarap ko at mga pangangamba

REFRAIN:
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng tambak
Doon ay kaya kong igapos dumi at ebak
Doon ay kaya kong ihagis, ibuhos ang lahat!

Sa estero lang kita tinatapon t’wina
Doon lang!

Doon ay kaya kong ipunin lahat ng tambak
Doon ay kaya kong igapos dumi at ebak
Doon ay kaya kong ihagis, ibuhos ang lahat!

Sa estero lang kita tinatapon t’wina
Doon lang!