Una sa Balita

Sinita sa pag-ihi 4 tinodas malapit sa bahay ng Mexican president

0 370

Apat katao ang patay sa pamamaril na naganap ilang hakbang lang ang layo mula sa opis­yal na tahanan ni Mexican President Andres Manuel­ Lopez Obrador sa Mexico City, Mexico.

Ayon sa ulat, pumasok ang isang ‘di kila­lang lalaki sa apartment malapit sa National Pa­lace at umihi.

Nang hinarap siya ng mga residente, bumunot na ito ng baril at pinagbabaril ang mga residente, tatlo ang namatay habang dalawa ang sugatan.

Binaril ng isang pulis ang ‘di kilalang gunman.

Ayon sa mga ‘di nagpakilalang residente,­ mapanganib ang kanilang kalye kahit pa malapit ito sa National Palace, na nilipatan at tinirhan ni Obrador mula nang pumasok siya sa puwesto isang taon na ang nakalilipas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy