Una sa Balita

Sinita sa hindi pagsuot ng helmet, empleyado nakapkapan ng shabu

0 371

KALABOSO ang isang private emplo­yee nang aksidenteng mahulog mula sa pitaka ang dala nitong shabu matapos masita dahil sa hindi pagsusuot ng helmet Biyernes ng gabi sa Caloocan City.

Sa report kay Police Lt. Col. Ferdie Del Rosario, Assistant Chief of Police for Administration (ACOPA) ng Caloocan Police, kinilala ang nasakoteng suspek na si Domiciano Tongga Jr., taga-259 Camia St., Brgy. 185, Malaria ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Police Lt. Col. Del Rosario,­ lulan ng Honda ACB 150 na may bearing MV File No. 0332-00000-214346 ang suspek alas-11:40 ng gabi nang pagsapit nito sa Quirino Highway, malapit sa Alat Bridge, Brgy. 185, Malaria, Caloocan City ay nakita siya ni Michael Pangilinan, kawani ng Law Enforcement Personnel ng Land Transportation Office (LTO) na walang suot na helmet.

Pinara ni Pangilinan si Tongga at hiningi ang drivers license nito pero pagbukas ng wallet ay nahulog sa semento ang tatlong plastic sachet na may lamang shabu na may P6,800 market value.
Bunga noo’y inaresto si Tongga. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More