Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sinita ni Joey: Allan, Paolo mahilig sa libreng pagkain

0 1,387

Gumastos, yan ang panawagan ni Joey de Leon sa mga namimihasa sa libreng pagkain, at pati na sa kapwa co-host niya sa “Eat Bulaga” na sina Paolo Ballesteros, Allan K, nang iposte niya ang inorder niyang fried pigeon sa Instagram.

Ayon sa caption, ipinangalandakan ni Joey na binili niya mismo ang pagkain, na galing sa pinaghirapang income sa trabaho. Kasunod ang patutsada niya sa mga nasasanay na sa libreng mga pagkaing ipinadala sa kanila, gaya nina Paolo at Allan.

“Thank you @angpoetnyo for your hard-earned money to buy these fried pigeons! Yung mga post nang post ng food na libre tulad ni @pochoy_29 at @allan_klownz at ibang @eatbulaga1979 dabarkads GUMASTOS NAMAN KAYO!”

Mababasa sa mga comment na kuripot sina Allan, Pauolo, at umaasa sa mga libreng pagkain.

Mapapansin nga kina Joey, Tito at Vic na wala silang pinu-poste na mga pagkain na galing sa mga negosyante. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.