Una sa Balita

Sinita ng fan: Andrea Brillantes halos lumuwa ang boobs

0 1,750

Ibang klase talaga ang hatak sa mga fan ni ­Andrea Brillantes. Nag-Tiktok lang, pinost sa kanyang Instagram, at ayun… nakahigit 1 million views na. Iba rin!

Sa recent post ni Blythe, sumasayaw siya suot ang costume niya sa finale ng “Kadenang Ginto”. Mistulang goddess nga siya rito, pero may isang follower na hindi nakatiis at sinita siya sa kanyang pananamit.

“OMG you shouldn’t wear clothes like that at that age…” hirit ng netizen.
Halos lumuwa na kasi ang boobs ng 16-anyos ­habang masayang kumekendeng, at nakikipagharutan sa ka-love team na si Seth Fedelin.

Ipinagtanggol naman si Andrea ng kanyang mga follower, at sinabing huwag husgahan ang aktres base lamang sa pananamit, dahil ito ang kanyang style at ito ang nagpapasaya sa kanya.

Basta ako, naniniwalang malayo pa ang marara­ting ni Andrea. At sa mga yakman, keep your dirty thoughts to yourselves. Hahaha!

Mocha binakbakan: Mga aktibista mas may pakinabang

Sayang ang pa-suweldo at hindi bagay sa posisyon – ‘yan ang mga salitang lulunukin ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) deputy executive director Mocha Uson dahil sa tweet nito tungkol sa mga UP graduate na umano’y aktibista.

Sa tweet ni Mocha ay kanyang pinaskil ang graduation pic at mug shot ng parte ng “Tacloban 5”, na sina journalist Frenchie Mae Cumpio, Rural Missionaries of the Philippines layworker Mariel Domequil, Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-Eastern ­Visayas staff Mira Legion, at Karapatan National ­Council member for Eastern Visayas ­Alexander Abinguna.

Ayon kay Mocha, sana’y prayoridad ng gobyerno na mapag-aral ang mga anak ng overseas Filipino worker (OFW), dahil ang iba raw ay napapasali sa mga komunistang grupo, na may caption na “Study Now, NPA Later”.

Dahil dito’y binanatan si Mocha, na ayon kay ­Pinoy Ako Blog ay wala itong karapatang i-post ang mukha ng apat na UP grad lalo’t hindi pa naman sila ­nahahatulang guilty at dahil sa post nito ay nilagay lang ni Mocha sa peligro ang mga ito.

Aniya pa, mas may pakinabang ang apat na ­aktibista kaysa sa kanya, na isang public official.

Marami ang sumang-ayon kay Pinoy Ako Blog, saad ng mga netizen na sayang lang ang pa-suweldo kay Mocha at puwede itong kasuhan dahil sa tweet.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More