Una sa Balita

Sinisingil sa utang ng asawang namatay

By
0 661

Dear Atty. Claire,

Gusto ko lang pong alamin tungkol daw sa utang ng aking asawa. Siya po ay pumanaw, isang taon na po ang nakaraan. Sa ngayon po meron taong naniningil ng utang sa asawa ko. Tinatanong ko po kung anong utang meron ang asawa ko at ang sabi ay pera daw po. Ang sagot ko po wala akong alam na utang dahil ako po lagi sa abroad.

Sa lagi po akong umuuwi ng Pilipinas ay wala naman pong binabanggit ang asawa ko na utang niya. Umuwi po ako kada tatlong buwan. Noong huling nagkita kami nabangit niya na sa akin na pag ‘di raw ko babayaran ang naturang utang lalapit daw siya sa abogado para mapilitan akong magbayad. Wala naman po siyang pinapakitang kasulatan ng aking asawa o collateral .Papaano po ba ‘yan dahil naguguluhan ako?

Salamat po,
Ferdie

Ferdie,

Tama ka na dapat na tanungin kung ano ba ang pagkakautang ng asawa mo. Kung totoo ba o hindi ang sinasabi ng taong naniningil sa iyo.

Unang-una ay siya dapat ang magpakita sa iyo ng ebidensya kung ano ang naging transaksyon ng asawa mo sa kanya.

Pangalawa, kung totoong umutang ang asawa mo ay hindi naman kaagad na ikaw ang magbabayad niyan dahil dapat pa niyang mapatunayan na ang inutang na pera ay ginamit upang mabeni­pisyuhan ang pamilya ninyo dahil kung ginamit ito sa isang iligal na transaksyon tulad ng sugal ay hindi ka mapipilit na magbayad o pati na ang properties na sakop ng absolute community or conjugal partnership of asset or property ninyo ay hindi sasagutin ang utang na ito.

Huwag kang matakot sa panakot niya na ha­hanap na siya ng abogado para mapilitan kang masingil dahil hahanapan din siya ng isang matinong abogado ng mga ebidensya upang makagawa siya ng isang demand letter.

Huwag magbibitiw ng pera basta-basta dahil marami ngayon ang manloloko at nagpapanggap upang makaisa at makakuha ng pera.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy