Una sa Balita

Sining para sa hindi mayaman

By
0 612

Noong Biyernes, naging host ako ng pagbubukas ng unang eksibit ng Tagapagtaguyod ng Sining at Kultura ng Pilipinas (TSKP) na pinamagatang “Binhi” na binuksan sa Bulwagang Rodriguez ng Manila City Hall.

Ang okasyon ay dinaluhan nina Mayor President Erap Estrada, ang embahador ng Russia Igor Khovaev, ang embahador ng Brazil Rodrigo Do Amaral Souza, Direktor ng National Bureau of Investigation Atty. Dante Gierran, MMDA Deputy Chairman Frisco San Juan at marami pang iba.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Tagapangulo ng TSKP na si Atty. Tranquil Salvador, III na binuo ang grupo dahil gusto naming basagin ang impresyon na ang si­ning ay para lamang sa mga ma­yayaman. Adbokasiya naming ilapit ang si­ning sa mga tao.

Ngunit ang mga ar­tist ay kailangan din namang suportahan dahil naghahanapbuhay din sila. Ikinakampanya naming na sana pumasok ang pamahalaan sa gawiang ito dahil hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa dangal at identidad ng kanyang bayan upang mabuo tayo bilang Pilipinas at magkaroon ng inspirasyon na makatulong sa pagpapaunlad ng Pilipinas.

Related Posts

Tulad ni MMDA Traffic Discipline Office Chief Atty. Crisanto Saruca, Jr., na siyang gumagabay sa MMDA Band at MMDA Dancing Enforcers upang ipakita ang dangal ng ating mga enforcer. Noong Biyernes, sa kanilang pagtatanghal kasama ng mga Miss Manila 2018 beauties na sina titleholder Kathleen Paton, 1st runner up Malka Shaver, 4th runner up Agatha Romero at si Esel Ponce ng awiting “Mamang Sorbetero,” ay nasorpresa ang lahat nang umawit ang Director ng Museo ng Maynila Liz Villaseñor. Bilang corporate secretary at bumuo ng TSKP, nagbuhos siya ng lakas sa preparasyon sa eksibit hanggang sa siya ay madala pa sa ER isang gabi bago ang pagbubukas, pero naroon pa rin upang manguna.

Ganito ang kanyang dedikasyon sa pagtataguyod ng sining. Gumawa din siya ng kanyang obrang iskultura ng isang ulo ng galinio (Griyego para sa kalmado o trangkilyo) na natapos lamang sa loob ng pitong araw. Namangha si Embahador Khovaev, at nagbiro na si Liz na marahil ang pinakamabilis na iskultor na babae sa bansa. Sa mensahe ni NCCA Chair Virgilio S. Almario, bilang kinatawan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, pinuri niya ang Museo ng Maynila sa pagtataguyod ng ganitong gawain na sana gayahin ng iba pang mga lokal na pamahalaan.

Mamangha sa mga gawa ng “Master of Watercolor in the Phi­lippines” na si Popoy Cusi at ng stained-glass artist at pintor na si Pancho Piano. Makipagselfie kay Apolinario Mabini na gawa ni Maestro Frede­ric Caedo, at mawindang sa kung paano ba nagawa ang mga paper-cutting artwork ni Badz Magsumbol, ang founder ng Papercutters Guild of the Philippines. Nakadisplay din ang mga publikasyon ko, at mga likha nina Bing Famoso Tac-an, Emmanuel Salva at Elias Tablizo. Puntahan ninyo na hanggang Biyernes pa ito!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy