Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sinibak na Jolo Police chief itinumba

0 151

Pinatay ang dating hepe ng Jolo, Sulu Police Station, na sinibak dahil sa neglect of duty matapos makapatay ang mga tauhan niya ng mga sundalo sa nangyaring engkuwentro noong Hunyo.

Sa ulat nitong Sabado, sinabi ni Brig. Gen. Ildelbrandi Usana, Philippine National Police spokesperson, iniimbestigahan na ang pagpatay kay PCapt. Walter Annayo sa Sultan Mastura, Maguindanao nitong Sabado ng hapon.

Batay sa inisyal na report mula sa Maguindanao Police Provincial Office, nag-park ng sasakyan si Annayo para bumili ng buko sa Narciso Ramos Highway sa Barangay Macabiso nang isang hindi kilalang gunman na sakay ng puting Toyota Fortuner ang bumaril sa kanya sa ulo at katawan.

Magugunitang tinanggal sa puwesto si Annayo matapos siyam na tauhan niya ay makapatay sa apat na operatiba ng Army intelligence noong Hunyo 29.

Sinabi ng mga naturang pulis na self-defense ang nangyari pero sa isinagawang imbestigasyon ng Senado ay inamin nila na hindi sila sigurado kung sino ang unang nagpaputok sa pagitan nila ng mga sundalo.

Nahaharap ang siyam na pulis sa apat na counts ng murder at isang count ng planting of evidence na inihain ng National Bureau of Investigation. (IS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.