Una sa Balita

Sinibak na customs official dalawa pala puwesto sa gobyerno

0 412

Alam niyo bang ayaw tumigil ng isang mataas na opisyal ng Bureau of Customs (BOC) na sinibak sa puwesto dahil sa pagkadawit umano sa korapsyon?

Ayon sa aking bubwit, ayaw tumigil ng opis­yal at pumapasok pa rin siya sa isa niyang trabaho bilang board member ng isang gov’t financial institution.

Yes mga pare at mare, dalawa ang trabaho ni sir, sa Bureau of Customs at sa Development Bank of the Philippines (DBP). Ang petmalu mo sir. Puwede pala ‘yun, opisyal ng Aduana at opisyal pa ng DBP nang magkasabay? Calling Civil Service Commission paki klaro po ito.

Ayon sa aking bubwit, kahit nasibak na si sir sa BOC ay pumapasok pa rin siya sa DBP at bilang miyembro ng board ay hinarang pa umano ang ilang benepisyong matagal nang hinihintay ng mga opisyal at empleyado ng nasabing financial institution matapos mapagtibay ang kanilang Magna Carta.

Komentaryo at tanong tuloy ng mga opisyal at empleyado sa apat na sulok ng DBP, bakit nandito pa ‘yan? Kapit-tuko kasi si sir at inaasahan ng mga taga-DBP na pagkatapos niyang mawala sa BOC ay aalis na rin siya sa bangko alang-alang sa reputasyon at integridad ng financial institution.

DBP Pres. Emmanuel Herbosa at DBP Chairman Alberto Romulo ano masasabi niyo sa sentimiyento ng mga opisyal at empleyado ng DBP na dapat na rin mawala sa bangko si sir?

Ang kontrobersyal na opisyal ang kauna-una­han sa mga sinibak ni Pres.
Duterte sa Customs na umabot na ng 53 ang ipinatawag sa Palasyo kamakailan at pinagbantaang ipababaril ng Presidente kung tutungtong pa rin sa Aduana at makikipag-usap sa mga opisyal at empleyado roon.

Ang sinibak na opisyal ng Customs na miyembro ng Board of Directors ng DBP at kinukuwestiyon na ang patuloy pang pagpasok sa GFI ay si dating…

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy