Una sa Balita

Singsing ni Jessy pinag-awayan ng mga fan

By
0 498

Nag-react ang maraming netizens, lalo na ang 3.2 million followers ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola sa Instagram nang mag-post ito na may suot na singsing sa kanyang daliri.

Marami tuloy ang nag-assume na engaged na nga ito sa actor-boyfriend nito na si Luis Manzano. Nakatanggap tuloy ng maraming congratulations na mensahe si Jessy.

Una na kasing lumabas sa media ang isang video na pinag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa pagpapakasal.
Pero may ilang netizen na nag-comment na hindi raw iyon engagement ring dahil hindi ito nakasuot sa kaliwang ring finger ni Jessy.

Kung babasahin daw ang caption ni Jessy, malalaman na bigay ng isang sponsor ang naturang singsing na dati ay isang hikaw at pino-promote din daw ni Jessy ay ang kanyang mga kuko.

“Since I lost one of the diamond earrings my dad gave to me, I couldn’t wear it anymore. Glad that @radiant.lux.jewelry was able to help me!!! Swipe left to see how @happymarnique turned my earring into a ring. ♥ love you Nik! *thank you @extraordinail for my nails!*”

Heto ang ilang comments at sagutan ng netizens sa pinost ni Jessy:
“engagement rings are worn on left, so NO.”

“Tru nails daw but you can’t see all of her nails. Di ba if nails you have to spread para kita ng lahat buong hand focusing the shot on your nails.”

“Here comes the bitteranas… Mga baks , huwag pairalin ang inggit. if you take a look at the caption, di lang nails ang ini endorse niya kundi yun jewelry . She was giving credit who did her nails & where she got the ring.

Masyado kase kayong na ii stress eh kaya kung ano na lang ang masabi, may ma issue lang. magbago na kayo. Naka mamatay ang inggit.”

“Sponsored ung ring. So baka hindi sya lang bumili nyan. May naka-tag na jewelry shop eh. Baka di pa.”
“If that’s not an engagement ring, how pathetic of her to put it on her ring finger and tease the madlang people. Epitome na to ng pagpapapansin.”

“Pag di ba engaged bawal na gamitin ring finger?”

“Triggered ka ba 1:21. I was pertaining to Jessy na papansin in general. Wag ka na magdamdam.”

 “Ganito kasi yun, 1:21- regardless kung bawal o hindi, when you put sa ring finger, (left or right) it’s like you’re hunting something gi­ven na she’s constantly making papansin about her upcoming engagement, wedding, wedding theme color kuno.”

“attention seeking naman kasi talaga na magpost ng ganyan para mapag-usapan kung hindi naman engaged. Either that or she’s trying to make her point across sa bf nya. Medyo desperada moves kung yun nga.”

“Sana totoo na ngang engaged na sila kasi parang ang off or nagpaparinig/pressure ang dating ng pic kung hindi pa. Grats! :)”

“Pagod na ba si jessy maging gf 4ever?? LM, pakasalan mo na kasi aguy aguy aguy”