Una sa Balita

‘Single ban’ sa EDSA sinuspinde ng MMDA

0 311

IPINAGPALIBAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng high-occupancy vehicle (HOV) lane sa Agosto 23.

Sa isang press briefin­g kahapon, sinab­i ng MMDA na kailangan pa na nilang i-convene ang Metro Manila Council bago ipatupad ang naturang polisiya.

Nauna nang ini­lunsad ng MMDA ang week-long dry run ng HOV policy tuwing rush hour sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) hanggang Agosto 22.

Ang HOV policy ay nakatakda sanang ipatupad ng MMDA sa Agosto 23.

Nauna nang umapela ang Palasyo sa publiko na bigyan ng pagkakataon na ipatupad ang HOV scheme o pagbabawal sa mga sasakyan na driver lang ang sakay tuwing rush hour sa kahabaan ng EDSA.

Sa ilalim ng HOV scheme, pagbabawalan ang mga ‘driver-only vehicle’ na bumiyahe sa EDSA mula alas-siyete ng umaga hanggang alas-10:00 nang umaga at alas-sais ng gabi hanggang alas-nuebe ng gabi

Sa unang araw ng dry run noong Lunes, mahigit sa 4,200 ang hinarang ng mga traffic enforcer.