Una sa Balita

‘Singkwenty’ sa Pasko

By
0 22

Noong nakaraang Martes, lumabas sa balita ang kaso ng ‘Singkwenty’ – P20 na ginawang P50 gamit ang pagkulay ng pula sa pera at pag-drawing ng ‘5’ sa ibabaw ng ‘2’. Huli na nang nakita ng biktima na nagantso siya.

Mukhang naglalabasan na naman mula sa ilalim ng lupa ang mga talipandas na gustong magsamantala sa Kapaskuhan.

Ang Kapaskuhan ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan kung saan nagkakapatawaran ang mga nagkatampuhan, nagre-reunion ang magkakalayong magkakamag-anak kasama ang mga bayaning OFW na nagbabalik-bayan. Nagsasama-sama ang lahat. Masaya.

Ang nakababahala, nagiging panahon din ang Kapaskuhan ng pang-aabuso, panlalamang at panggagantso ng mga impakto. Ayon sa pulisya, kapag Pasko – kasama ang Undas at Holy Week – ay tumataas ang ‘crimes against property’ tulad ng pagnanakaw, panghoholdap at panloloob sa mga bahay. Kung kailan pa religious days saka pa lumolobo ang mga krimen. Nakakalungkot.

Para maging mas maayos ang pagdaan ng Kapaskuhan, maging maingat at mapagmatyag sa mga modus ng mga switik.

Related Posts

Usong-uso ngayon ang online at sa pagbili ng mga regalo, ‘abangers’ ang scammers. Siguru­hing legit hindi lang ang mga binibili kundi pati ang nagbebenta. Humingi ng litrato ng produkto na may ID ng seller, at kung maaari, huwag na sa money remittance ang pagbabayad. Mas maganda kapag meet-up o kaya thru bank deposit. Ang aking staff na napakahilig mag-online, ilang beses nang nadale – ang dumating ay hindi ‘yung kaniyang in-order pero hindi na niya maisauli. ‘Di ba, Amy?

Ingat sa salisi at budol. Sa mga mamimili sa tiangge, tiyakin ang produktong isusupot ay ang binili. Laging bila­ngin ang sukli para siguradong tama at hindi peke ang pera. Kapag magpapapalit sa money changer, bilangin ang pera bago lumabas. Huwag makontento sa pagbilang ng iba dahil may ilan na sadyang mabilis ang kamay sa salamangka.

Mayroon namang mga pekeng foundation at organisasyon na may pekeng solicitation at pekeng raffle. Kakatok sila sa puso at gagawin ang lahat ng paraan makuha lang ang nasa bulsa mo. Nagbebenta ng ticket na kulang na lang ay EDSA Flyover ang papremyo para makaengganyo pero wala naman talaga.

Ilan lang ang mga ito sa dapat bantayan nga­yong Kapaskuhan.

Sabi nga, ang Pilipinas ang may pinakamahabang pagdiriwang ng Pasko sa buong mundo dahil pagpasok pa lang ng tinatawag na ‘Ber Months’ ay Pasko na, at natatapos lang ito sa Three Kings sa Enero ng susunod na taon. Sa buong panahong ito, maging mapagmatiyag tayo.

Harinawa, magiging maayos at masaya ang Holidays ng lahat.