Una sa Balita

Singkit na male personality mahilig sa matandang mayaman

By
0 247

Para sa mga kalala­kihan, ang kagandahan at kaseksihan ng babae ay sapat nang pamantayan ng pagkagusto, pero hindi ganu’n lang ang hinaha­nap sa isang babae ng isang kilalang male personality.

Kahit sa pagkukuwentuhan nilang magkaka­tropa ay may mahalagang katangian pang hinahanap ang lalaking personalidad. Maganda at sexy na ang babae ay kailangan pang sumuka ang kanyang bulsa.

Choosy ang male personality. Hindi siya nakukuha sa ganda lang at magandang kurbada ng katawan ng babae dahil hindi pa ‘yun tumutugon sa kanyang pamantayan ng makakarelasyon niya.

Kuwento ng isang source na nakakaalam sa mga hinahanap ng male personality sa babae, “Naku, hindi maganda at sexy lang ang hanap niya. Kailangang madatung ang girl!”

“’Yun ang unang-unang hinahanap niya, secon­dary na lang ang katawan at ganda. At take note, wala siyang age preference, ha? Mas matanda man sa kanya ang girl, e, wala siyang pakialam, basta punumpuno ang wallet at bulsa!” simulang kuwento ng aming impormante.

May mga nakarelasyon din naman siyang mas bata kesa sa kanya, pero hindi nagtatagal ang kanilang relasyon, ilang taon lang ay may tuldok na ‘yun.

“Kahit naman ‘yung past girlfriends niya, e, may sinasabi sa buhay, madadatung, hindi sa kanya umaasa. Ganu’n kasi talaga ang gusto niya.

“O, di ba, ilang babae na bang di hamak na mas matanda sa kanya ang kinarelasyon niya? E, ano nga naman kung parang mother na lang niya ang girlfriend niya, busog na busog naman ang mga kapritso niya sa buhay!

“Nasusunod niya ang mga luho niya, konting lambing lang, may resulta na agad ‘yun! Kaya sorry na lang sa magaganda at seksing babae d’yan, hindi sila papatusin ng male personality.

“Kahit singkit siya, e, lumalaki ang mga mata niya kapag richie-richie ang girl, kapag mucho ang bulsa, promise!” pagtatapos ng aming source.