Una sa Balita

Singit ni Rachel lantad sa national costume

By
0 43

Kaloka! National costume pa lang ni Rachel Peters sa Miss Universe, nagtatalo-talo na ang mga Pinoy.

Hindi raw sila sanay. Mas bet nila ang national costume na Filipiniana terno ang style, na madalas ngang isuot ni Imelda Marcos. Mas bet nila ang konserbatibong style na balot lang, at pahinhin effect.

Eh, sa national costume nga ni Rachel ngayon, halos lantad na ang katawan nito. Body-hugging type na mala-swimsuit nga at sa totoo lang, halos labas na ang singit ng dalaga.

“A modern twist of the legendary Sarimanok. A symbol of good fortune for the Maranao people,” chika lang ni Rachel sa Instagram post niya suot ang national costume niya.

Pero, pakiusap nga ng mga pageant expert, instead  na laitin, o mag-comment ng kung ano-anong masasakit, o sabihan na ang pangit ng national costume nito, manahimik na lang muna, at hintayin na lang ang coronation night sa November 26.

Hindi nga naman makatutulong ang mga negative comment kay Rachel, lalo na sa panahon ngayon, na one click away, nababasa, naglalabasan na ang mga post tungkol sa mga kandidata.

Si Rachel nga mismo, umaming naapektuhan siya kapag may mga nababasa siyang nega, at hindi talaga naiiwasan na magtaray, o rumesbak siya sa mga nagni-nega sa kanya.

Eh, support lang naman ang kailangan ni Rachel ngayon. Ang iba, mema lang kasi, o memasabi lang talaga.

About last night 💛 @missuniverse #phvegas

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx) on

Well, dahil talunan nga tayo sa Miss International at Miss World, pakiusap ng mas nakararaming Pinoy, instead na mag-away, magtalo, magsuportahan na lang. Like, iboto si Rachel sa lahat ng kategorya.

Nagsimula na nga ang botohan last November 20 sa Amerika.

At may da­lawang paraan daw kung paano bumoto.

Una sa Vote. MissUniverse.com na kung saan ay puwede ka raw bumoto hanggang sampung beses kada-araw.

Pangalawa, sa Twitter, ga­mit ang hashtag na #MissUniverse at #Philippines.

At sa broadcast mismo, o sa Nov. 26 at Nov. 27 ng umaga (Manila), puwedeng bumoto sa Vote.MissUniverse.com (10x per round) at Twitter using #MissUniverse at #Philippines. At bibilangin din daw ang retweets.

So, diyan na lang muna tayo mag-focus, para naman hindi umuwing luhaan si Rachel, na tulad nina Mariel de Leon at Laura Lehmann.