Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Singit makalaglag panga: Kim binulabog isip ng mga manyakol

0 1,063

‘Grabeeeeee!’

Malalakas na tili (kesehodang wala namang sound) nga ang maririnig mo sa Instagram ni Kim Chiu.

At `yon ay dahil sa latest photo niya na pinangalandakan.

Kaloka naman kasi, na bagamat black one-piece swimsuit ang suot ni Kim sa mga photo, agaw-atensiyon talaga ang bahaging `yon ng kanyang katawan.

Yes, naloka nga ang mga netizen, lalo na ang mga manyakol, sa cut ng one-piece bikini ni Kim, na lantad na talaga ang pisngi ng kanyang bulaklak.

Imagine, pati mga kapwa artista ay ‘nainitan’ sa itsura ni Kim.

“Gorgeous!” sigaw ni Jonas Gaffud.

Nagpaulan naman ng ‘apoy’ sina Bela Padilla, Direk Dan Villegas, at iba pang artista, mga fan.

Binulabog din ni Kim ang kaisipan ng mga netizen, na sumigaw ng ‘mind blowing’ ang paandar na `yon ng aktres/TV host.

Bagsak panga nga ang lahat ng kalalakihan na pinasilip na `yon ni Kim.

Well, bagamat may mga bastos na komento, sa kabuuan ay karespe-respeto pa rin ang itsura ni Kim. Class at hindi bastusin, sabi nga ng iba.

At sabi ng iba, parang alak si Kim, na habang tumatagal, lalong sumasarap.

Bongga, di ba?

Ang dating payatot, ngayon ay body goals na ng maraming kababaihan, at pantasya na rin ng mga kalalakihan.

Sharon humiling ng pagmamahal sa kampo ni Bongbong

Umaray na si Sharon Cuneta sa pang-aasar ng mga supporter ng mga nanalong kandidato.

Malungkot nga ang mga naranasan ng Megastar sa eleksiyon 2022. Pero, kahit lugmok na nga ang kampo niya, may mga supporter ang mga kalaban na talagang binabagsak ang grupo nila.

“Respeto. Pagmamahal. Pag-unawa. Yun lang sana!” pakiusap ng Megastar.

Sinang-ayun din ito ng mga follower niya. Pero, may iba na humiling din ng respeto, pagmamahal, pag-unawa sa bagong halal na presidente ng Pilipinas.

May mga nagsabi rin na bakit daw noong panahon ng kampanya, hindi raw nila nirespeto ang kalaban nila?

Pero, marami pa rin ang nagsabi na sa panahon ngayon, `yun ang kailangan ng bansa, respeto, pagmamahal, pag-unawa.

***

Demokrasya ipaglaban — Robi

Ganiyan din ang pakiusap ni Robi Domingo sa mga nakabangga nila nitong nakalipas na halalan.

Dinaan nga ni Robi sa tula ang pakiusap niya sa mga nakatunggali, na magbigayan na lang ng respeto sa isa’t isa.

“Padayon (watawag ng Pilipinas).

“Walang pagsisisi dahil kami’y tumindig.
“Ipinaglaban ang pinaniniwalaan gamit ang tinig.
“Salamat sa mga Tropang nagkapit-bisig
“Dahil pinakita niyo sa amin ang pag-asa at pag-ibig.
“Laman ng puso’y aking pinipilit
“Na tanggalin ang panibugho’t galit
“Demokrasya ay patuloy na igigiit.
“At ako’y ‘di na muling pipikit.
“Mananaig ang respeto sa naging desisyon
“Para sa mga naluklok sa susunod na administrasyon.
“Ito na sana ang malaking pagkakataon
“Na ang mga problema’y mabigyan ng maganda at maayos na solusyon.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.