Una sa Balita

Singing Doctor Melfred Hernandez bibida: Sarah, Matteo live na magpapakilig sa ASAP

0 585

Live na live na mapapanood via video conferencing ang mga Kapamilya star ng “ASAP Natin ‘To” ngayong Linggo (Marso 29) na maghahandog ng nakaaantig na performances mula sa kani-kanilang mga tahanan.

Sanib-puwersa nga sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Ogie Alcasid, Sarah Geronimo, Piolo Pascual, Billy Crawford, at Regine Velasquez sa paghatid ng saya sa mga pamilyang nananatili sa kanilang tahanan sa gitna ng enhanced community quarantine.

Pag-ibig naman ang handog ng mga Kapamilya couple na sina KZ Tandingan at TJ Monterde, Moira Dela Torre at Jason Marvin, Yeng Constantino at Yan Concepcion, at ng bagong kasal na sina Sarah at Matteo Guidicelli.

Kaabang-abang din ang muling pagsasama ng “Your Face Sounds Familiar Kids” judges na sina Sharon Cuneta, Jed Madela, at dating contestants nito na sina Xia Vigor at Chunsa Jung.

Makakasama rin nila ang ASAP Birit Queens na sina Jona, Morissette Amon, Angeline Quinto, at Klarisse de Guzman, at ang Kapamilya young idols na sina Inigo Pascual, Darren Espanto, AC Bonifacio, Sheena Belarmino, Krystal Brimner, Ken San Jose, Joao Constancia, at Jeremy Glinoga na pabibilibin ang mga manonood sa kanilang husay sa pagpe-perform.

Mapapanood din ang “Gold Squad” na kinabibilangan nina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri, at Francine Diaz. Masayang family bonding naman ang handog ng pamilya nina Kim Chiu, Sunshine Cruz, Dingdong Avanzado, at Ogie Alcasid.

Bibida naman ang pag-asa at pananampalataya sa kwento ng singing Doctor Melfred Hernandez kasama ang Villancico Vocal Ensemble at ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More