Una sa Balita

Singil sa kuryente bababa sa Setyembre

By
0 86

MAGTATAPYAS sa singil ng konsumo sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong paparating na bill ng Setyembre.

Batay sa anunsiyo ng Meralco, bababa sa P0.1458 kada kilowatt hour (kWh) ang mababawas sa singil sa kuryente.

Nabatid na kung umaabot sa 200 kWh ang konsumo sa kuryente ay bababa ito ng P29.16, kapag nasa 300 kWh ang nagagamit ay nasa P43.74 ang mababawas, sa 400 kWh naman na konsumo ay nasa P58.32 habang kapag kumonsumo ng nasa 500 kWh ay nasa P72.90 ang tiyak na ibabawas sa bill. 

Kung 300 kWh naman ang nagagamit, matatap­yasan ng P43.74; P58.32 naman ang matatanggal kung 400 kWh ang nakokonsumo, at P72.90 naman kung 500 kWh.

Ang dahilan umano nang pagbaba ng singil sa kuryente ay sa murang bentahan sa spot market.

Subalit ikinabig naman ng Meralco na posib­leng tumaas naman ang singil sa Oktubre dahil sisimulan na ang maintenance shutdown sa Sual at Pagbilao power plant.