Una sa Balita

Singil sa kuryente bababa ng 54 sentimo

By
0 659

IBABABA ng Meralco sa 54 sentimo kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ngayong Mayo dahil sa pagbaba ng generation at transmission cost na magpapababa rin sa buwis na babayaran nito.
\
Sabi ng Meralco, bumaba ang generation charge ng P0.4212 per kilowatt hour. Noong Abril, P5.4735 per kilowatt hour ang generation charge na bumaba sa P5.0523 per kilowatt hour.

Bumaba rin ang transmission charge sa mga residential customer ng P0.0096 per kilowatt hour.

Dahil sa pagbaba ng generation at transmission charges, sabi ng Meralco bababa rin ang babayaran nitong buwis ng P0.1128 per kilowatt hour.