Una sa Balita

Singil binaba kahit red, yellow alert Meralco pahiya sa SC

0 222

Puwede palang ibaba ng Manila Electric Company (Meralco) ang singil sa kur-yente sa gitna ng mga naranasang yellow at red alert.

Napahiya ang Meralco sa desisyon ng Supreme Court (SC) na dapat dumaan sa competitive selection process (CSP) o public bidding ang lahat ng power supply agreements (PSAs) kabilang na ang pitong sister company ng Meralco na tinaguriang “midnight” at “sweetheart” deals, ayon kay Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate.

Kung hindi pa umano naglabas ng desis-yon ang SC ay hindi magpapapogi at magpapakitang gilas ang Meralco na ibaba ang singil ng kuryente.

Ayon naman kay Bayan Muna chairman at Makabayan senatorial bet Neri Colmena-res, bistado na ang Meralco sa mga ginagawang kabalbalan.

So medyo major talaga ang nangyari sa desisyong ito na pwede naman palang ibaba ang singil sa kuryente kahit na may red alert kung nabibisto ang Meralco sa mga ‘di kanais-nais na gawain niya,” komento ni Colmenares.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy