Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Singer-aktor nawasak boses sa alak

0 584

Dahil puwede na ulit ang mag-show sa mga probinsya, nagkaroon ng maraming raket ang singer-actor na napahinga sa pagkanta ng dalawang taon dahil sa pandemya.

Kung nakakanta ito, madalas ay libre sa mga online shows at kung minsan ay sa ilang social media platforms kunsaan napapadalhan siya ng tip mula sa mga followers at watchers.

Sa isang regional event kunsaan naimbitahan si singer-actor na kumanta, marami ang nakapansin na hindi na gano’n kaganda ang boses niya. Ilang beses itong pumiyok at nawala sa tono. Sumasabit na raw ito sa kanyang mga kinakanta at halata na ito ng audience.

Dahil nga sa two years na quarantine, hindi naasikaso ni singer-actor ang pag-ensayo ng kanyang vocal chords. Dumaan din daw kasi ito sa depression kaya napabayaan niya ang boses niya. Nagkaroon daw ito ng hilig sa pag-inom ng alak noong magkaroon ng lockdown kaya naapektuhan ang boses niya.

Nasanay na raw itong kumanta online na may voice enhancement kaya pagdating sa live, super piyok na siya.

Pinagsabihan na ang manager ni singer-actor na ayusin ang pagkanta nito dahil mapipilitan silang kumuha ng iba kung patuloy na pipiyok at magsisitunado ito sa live show.

Aminado ang singer-actor na naging pabaya siya at babalik daw siya sa pagkuha ng voice lessons para maayos maibalik sa dati ang magandang tinig ng boses niya. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.