Una sa Balita

Singer actress nagsungit sa ilang fan

0 525

DISMAYADO raw ang ilang fan ng isang singer actress nang ipakita nito ang kanyang kasungitan.

Sa kuwento ng ating Amuyong, tuwang-tuwa raw ang mga empleyado at ilang tenant sa isang commercial building dahil nagtungo doon ang ating bida para sa recording ng isa nitong proyekto.

Inabangan daw ng mga fan na matapos ang trabaho ng aktres upang makapagpaselfie sa kanya.

Pero paglabas daw ni Ms. Sungit ay nagmamadali na ito dahil marami pa raw itong gagawin.

Napilitan ang ating bida na pagbigyan ang mga fan subalit hindi raw maipinta ang mukha niya at hindi na raw makangiti sa mga picture kaya hindi rin kagandahan ang kuha kasama ang mga fan.

Dismayado ang ilang fan nito dahil ang akala nila ay sweet at super bait ang kanilang idolo yun pala ay may kasungitang taglay.

Pintahan niyo na. Ang ating bida ay mayroong S sa kanyang pangalan as in super sungit.(Dang Samson-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy