Una sa Balita

Singapore suportado ng mga Pinoy sa Miss U

0 450

Ang tinguriang Beauty Queen Maker na si Jonas Gaffud ang nag-train sa representative ng Singapore sa Miss Universe na si Miss Mohanaprahba Selvam.

Ilang araw ding namalagi si Mohana sa Pilipinas para sa kanyang training bago ito lumipad for Atlanta, Georgia.

Si Jonas kasi ang creative consultant ng Miss Universe Singapore at malakas ang vibes nito sa future ni Mohana bilang isang beauty queen.

“Malakas ang dating niya. She has this magnetic personality. Her charm will pave the way for her sa Miss Universe.

“Maraming magagandang babae na maglalaban-laban. Ang tanging panlaban mo bukod sa ganda is your personality. And Mohana has both,” pagmamalaki pa ni Jonas.

Nagpapasalamat si Mohana (na half-Indian) sa magandang training na nakuha niya mula sa team ni Jonas. Mula sa paglalakad, pag-pose at pag-exude ng self-confidence ay natutunan niya.

“I like to thank Jonas and his team for everything. I really listened to them and I learned so much. Things that I will take with me everywhere,” ngiti pa ni Mohana.

Isang biomedical science graduate ang 24-year old na si Mohana at twice na siyang sumali sa Miss Singapore.

Sa history ng Miss Universe, twice pa lang nakapasok ang Singapore bilang semi-finalist. Una ay si Kathy Lee Lee Beng in 1983 (Top 12) at pangalawa si Marion Nicole Teo in 1987 (Top 10).

Ang gumawa ng national costume ni Mohana ay ang Pinoy designer na si Michael Cinco. Pinakita sa local media ang fuchsia pink gown ni Mohana na inspired ng national flower ng Singapore na Vanda Miss Joaquim.

Lumipad for the US si Mohana noong November 26 at sabay silang bumiyahe ng ating Philippine representative na si Gazini Ganados. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy