Una sa Balita

Singapore PM bababa na sa puwesto

0 25

Matapos ang 13 taon panunungkulan, handa na si Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong na bumaba sa puwesto sa mga susunod na taon.

Sa interview ng CNBC kay Lee, sinabi ng 65-anyos na anak ng founding father ng Singapor­e na si Lee Kuan Yew na maaaring­ idaos ang halalan anumang araw bago sumapit ang 2021.

“I am ready,” wika ni Lee nang tanungin ito kung handa na siyang bumaba sa puwesto.

Nagpahiwatig pa ito na ang magiging kapalit niya sa puwesto ay nasa gabinete lamang subalit kaila­ngang manaig umano ang mayorya.

Agad namang lumutang ang espekulasyon na sina Finance Minister­ Heng Swee Keat at dating­ army chief Chan Chun Sing ang magigin­g kahalili ni Lee. Lumutang din ang panga­lan ni Deputy Prime Minister Tharman Shanmugaratnam subali­t ngayon pa lang ay hindi na siya umaasa sa puwesto dahil kabilang siya sa minority ethnic Indian community­. Ang mga nakaraan­g lider ng Singapor­e ay mula sa hanay ng Chinese community­.