Una sa Balita

Sinetch itetch? Hoopster, volleybelle nag-split

0 281

IBA’T IBANG hula at reaksyon mula sa mga netizen ang nagsulputan matapos ang isang nakakagulat na tweet ni Dbuzzbasketball (@dbuzzketball).

“A basketball player and his volleyball player – girlfriend have reportedly split,” tweet ni @dbuzzketball.

Matapos ang tweet, nagsunod-sunod ang hula ng mga netizen kung sino ang sports couple na ito.

Unang lumutang ang pangalan ni San Miguel Beerman stalwart June Mar Fajardo at nobyang si Aerial Patnongon, na noong 2015 pa naging magkarelasyon.

Pero pinagtatanggol agad nito ni millaveGretchen (@GretchenMillave) sabay post ng “hindi sina JMF yan kasi may tweet pa si Aeriel oh… May 28 after mag fishing ni jmf.”

Lumutang din ang pangalan nina University of the Philippines player Kobe Paras at Ateneo de Manila University volleybelle Ponggay Gaston.

Napasama rin sa hula ang pangalan ni NLEX Road Warriors player Kiefer Ravena at nobyang si Creamline Cool Smashers at Premier Volleyball League MVP Alyssa Valdez.

Nasa hula rin nila ang tambalang NorthPort Batang Pier rookie Robert Bolick at F2 Logistics middle blocker at national team captain Aby Marano pero sinabi ni @Zsaab1 na magkasama lang ang dalawa sa birthday ni Dawn Macandili.

Napasama rin sina dating La Salle player at Makati Super Crunch player Kib Montalbo at La Salle Lady Spiker Des Cheng, pero hindi daw ito totoo dahil magsasama pa ang dalawa sa isang TV guesting. (Fergus Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy