Una sa Balita

Sindikato sa NFA, kakalusin ng Senado

By
0 1,997

Umalma na ang isang senador sa nararanasang kakapusan ng suplay ng murang bigas sa bansa.

Kasabay nito, isinulong ni Poe ang pagsasagawa na ng imbestigasyon sa sinasabing sindikato sa National Food Authority (NFA) na matagal nang nagiging isyu kaugnay sa manipulasyon sa datos ng bigas.

Sa Senate Resolution No. 623, hiniling ni Poe sa Senate Committee on Agriculture and Food na siyasatin na ang kakapusan ng murang bigas na nagiging dahilan din ng pagtaas ng presyo ng commercial rice.

“It is downright bewildering to allegedly have a record-brea­king surplus in rice supply on one hand and experience a low inventory of rice in the warehouses of NFA on the other hand and thereby needing to import rice,” saad ni Poe.

Binigyang-diin ni Poe na ilang dekada na rin ang ispekulasyon ng sinasabing sindikato sa NFA at panahon na upang ito ay mapatunayan.

“We cannot turn a blind eye on alleged reports regarding the exis­tence of a rice cartel in the Philippines,” dagdag pa ng senador.

Idinagdag nito na ang sinasabing rice cartel sa loob at labas ng pamahalaan ay may malaking epekto sa dignidad ng mga magsasaka at sa consumers.

Nitong mga nagdaang linggo ay inireklamo ng rice traders ang kakapusan ng supply ng NFA rice kaya’t nagdesisyon ang gobyerno na umangkat.