Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sinayang mo Kiko: Devon nagpasabog ng ganda, kaseksihan

0 282

Applicable kay Devon Seron, patungkol kay Kiko Estrada, ang linyang…

“Hi, ako nga pala sinayang mo.”

Well, alam naman natin kung ano ang nangyari last year, na naghiwalay sina Devon at Kiko, at after a few months, umamin sina Kiko at Heaven Peralejo na magdyowa na sila, pero after ilang linggo, binalita rin nila na hiwalay na sila (Kiko, Heaven).

Ang daming naawa kay Devon noon, dahil feeling nila, sinayang ni Kiko ang ilang taong pagmamahal niya sa aktor. Matagal na nanahimik si Devon.

Pero, heto na nga siya ngayon, pasabog ang pagbabalik, at sigurado ang mga netizen, hinayang na hinayang si Kiko sa kanya, dahil ang seksi, ang ganda, ang fresh ni Devon ngayon.

“Treat me well and I’ll double the favor,” caption ni Devon sa mga sexy photo niya.

Kaya hirit ng mga netizen:

“Dev’s be like, ‘Hi ako nga pala yung sinayang mo. Hahahaha.’”

“Kiko, ito pala `yung sinayang mo.”

Anyway, palaban, stunning, grabe ang resbak, iba umatake, gorgeous, ang deskrispsiyon ng halos lahat kay Devon.

Well, ano kaya ang reaksiyon ni Kiko? Mag-post din kaya siya ng photo na hubad siya, at may caption na, ‘Hi, ako nga pala ang sinaing mo.’ Hahahaha! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.