Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sinayang mo Derek: Andrea kinabog alindog ni Ellen

0 225

Winalis bigla ni Andrea Torres ang mga kapwa sexy star na walang pakundangang binabalandra ang kanilang bikini body.

At kahit si Ellen Adarna ay natabunan niya, dahil talaga namang umaapaw sa hotness ang kanyang alindog.

Sa Instagram post niya, masisilip ang tatlong larawan na naka-pose sa puno ng niyog suot ang isang one-piece orange swimsuit.

Nakatagilid ang shot ni Andrea pero umuusok na sa init ang kanyang kaseksihan. ‘Yung porma ng katawan niya, at hubog ng kanyang tagiliran ay nakaka-wow to the highest level.

Medyo matagal-tagal ding hindi nagbahagi si Andrea ng mga sexy photo, kaya naman may gulat, bilib factor ang muli niyang paghuhubad sa social media.

Kaya nga parang sumasabay pa si Andrea sa init ng panahon ngayon. At itong mga manyakol na nagnanasa sa kanya, pawisan na sa pagpapantasya sa kanyang kaseksihan. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.