Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sinas hahabulin sa trespassing, harassment

0 261

Tinitingnan na ng pamilya Delos Santos ang mga isasampang kaso laban kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Pol. Maj. Gen. Debold Sinas matapos umano silang tangkaing palayasin sa kanilang tinitirhan sa Fort Bonifacio, Taguig.

“We’re planning to file cases of trespassing, harassment, threats and grave misconduct,” ayon kay Arles delos Santos, isa sa humarap kay Sinas at ilan pang pulis nang puntahan sila sa kanilang tahanan para paalisin.

Ayon kay Delos Santos, pinakita niya ang mga dokumento para patunayang legal ang pagtira nila sa bahay ngunit sinigawan umano siya ni Sinas, tinangka pa umano siyang sapakin ng isang pulis nang makita na kinukuhanan sila ng video.

Nag-viral ang pinaskil na video ni Arles, kung saan dumepensa ang NCRPO at sinabing iligal ang pagtira ng pamilya sa nasabing lugar na umano’y quarters pala ng pulisya.

Kwento ni Sinas, ang kanilang hinahanap ay ang tatay ni Arles na si Arnel delos Santos, isang dating police executive master sergeant na nagretiro noong 2018.

Paliwanag ng hepe, sila’y napadpad sa lugar para tingnan ang RDSU building na gagawin na quarantine facility para sa mga pulis na hinihinalang may COVID-19.

Depensa nito, naglagay ng barikada ang pamilya sa kanilang tahanan, na property ng South Police District, at sinadya umanong hindi humarap ni Arnel sa kanila para pagmukhain hina-harass ang kanyang pamilya, kung saan isa sa mga anak nito ay may kapansanan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.