Una sa Balita

Sinanglaw, Igado ng La Union ‘da best’

0 276

Nagkaroon kami ng back-to-back game sa bayan ng San Juan sa La Union last week.

Kontra Parañaque noong Sabadp at ang host ay La Union noong Linggo.
Maganda ang resort na tinirahan ko at ito’y beachfront na kung saan mismo ang main event ng surfing ginagawa.

Ito’y pag-aari ni coach Pancho Dulay ng Fatwave Surf Resort. May mga apat pa na ­restaurant sa loob ng compound bago ka ­umabot sa beachfront.
Maganda ang vibe ng lugar, kadalasan millenials ang nakikita ko sa aming tirahan.

Pagdating naman nang gabi puro togstogs ang music. Kaya buhay ang lugar sa mga bagets, mag-partner at pamilya.

At siyempre kulang ang biyahe mo sa La Union kapag hindi mo natikman ang kanilang Sinanglaw at Igado na parang bulalo, papaitan ang lasa.

Magandang training ground for surfing ang San Juan, La Union dahil wala masyadong corals na puwede makasakit sa surfer kapag nagkaroon ka ng alanganin sa alon.

International standards din ang waves ng San Juan, 5 hours din ang layo galing Manila.

Puno parati ang ­venue ng laruan na malapit sa tapat ng ­munisipyo. Marami pa rin ang nakakakilala sa atin as ex-PBA player and as coach ngayon.
Gusto ko pasala­ma­tan siyempre ang napakalakas ng appeal, simpatiko, matulungin at lapitin ng masa na si Cong. Pablo Ortega at ang kanyang anak na Board Member ng La Union at dating San Beda high school player na si Paolo Ortega.

Nagkita rin kami ng dati kong kasama at isa sa pioneer ng Purefoods TY Hotdogs at coach din ng Pampanga na si Totoy Marquez.

At sa pangalawang pagkakataon nagkita kami ni Gov. Dennis ‘­Delta’ Pineda na ­may-ari ng team.

Jampacked ang ­laruan, hindi ka makakapasok kapag late ka ng manonood ng laro. Lahat ng game ay close fight dahil na rin sa effective officiating ng grupo ni dating PBA ref Edward Aquino.

Sa Enero 31, Biyernes, darating ang PBA Legends Quezon, Nueva Ecija at sa Pebrero 26, Miyerkoles, naman pupunta ang ­Legends sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay.

Kaya don’t miss this chance to see your ­favourite PBA players.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More