Una sa Balita

Sinamantala ang lockdown: Sarah, Matteo tumodo sa honeymoon

0 1,429

Naging pabor sa bagong kasal na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang nangyaring enhanced community quarantine.

Sa kaarawan ng aktor ay nag-post ito ng isang larawan kung saan magkasama sila ng kanyang misis, ito nga ang unang kaarawan niya bilang mister ni Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Kinilig ang fans sa caption ng better half ni Sarah. “Thank you Mrs. Guidicelli for everything. First birthday with you as your husband and I will forever cherish every single day with you. These day reminded me of how precious life really is. Family, friends, loved ones and everyone out there, thank you very much for the greetings! God bless us all. Stay safe everyone.”

Hirit ng isang fan, tapat na tapat nga ang quarantine para sa kanilang honeymoon dahil parehas na hindi busy ang dalawa. Tuwang-tuwa ang fan para sa mag-asawa.

Ayon kay @sabbigirl08 “happy quarantine bday.on a lighter note ang saya honeymoon period niyo lockdown pareho kayo di busy😍😘😘🥰 sooo happy😍😍”

Nataon nga na ang honeymoon period ng mag-asawa ay nasabay pa sa enhanced community quarantine kaya naman maraming oras ang dalawa para sa isa’t isa at kanilang masusulit ang break na mayroon sila ngayon. (Sarah Asido)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More