Una sa Balita

Sinakyang chopper ni KB kulang sa safety device

0 625

LUMALABAS na walang Terrain Awareness and Warning System ang helicopter na sinakyan nina Kobe Bryant, ayon sa mga imbestigador nitong Miyerkoles.

Gayunman, hindi pa malinaw kung isa ito sa dahilan sa pag-crash ng helicopter na sinakyan ni Kobe, anak na si Gigi at pitong iba pa.
“This is a pretty steep descent at high speed,” saad ni Jennifer Homendy ng National Transportation Safety Board. “We know that this was a high-energy impact crash.”

Buo pa ang helicopter nang tumama sa bahagi ng hillside sa Calabasas, California ngunit dahil sa impact nito pagbagsak sa lupa ay kumalat ang debris ng hanggang 500 feet (150 meters).

Aabutin ng ilang buwan upang malaman ang sanhi ng aircraft crash ngunit ipinunto ng mga imbestigador na para maiwasan ang ganitong insidente ay dapat may ­Terrain Awareness and ­Warning System. (­Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More