Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sinakyang chopper ni Bong Go nagkaaberya

0 160

Isang masaklap na karanasan ang inabot ni Senador Christopher ‘Bong’ Go nang maglunsad kamakailan ng Malasakit Center sa Basilan.

Ibinahagi ni Go ang kanyang kuwento habang sakay ng chopper sa Basilan noong Sabado, Agosto 14.

Habang nasa himpapawid nagkaroon aniya ng problema ang sinasakyan nitong helicopter subalit ligtas naman itong nakapag-landing at walang sinumang nasaktan sa mga sakay nito.

“While on my way to Basilan, the helicopter I was riding encountered problems. Fortunately, nobody was hurt and we landed safely. I believe that if it is our appointed time to meet our Maker, then it is our time, wherever we may be,” lahad ni Go.

Ayon sa senador, hindi siya natatakot mamatay lalo na kung nangyari ito sa pagbubukas ng isang pang Malasakit Center na makakatulong para maglitas ng buhay ng iba. Aniya, malaking karangalan ang mamatay habang nagseserbisyo sa mga Pilipino.

“Ako po’y naniniwala kung panahon mo na po sa mundong ito, panahon mo na talaga kahit saan ka pumunta. Kung kukunin ka na ng Diyos, Panginoon o Allah, wala ka pong magagawa,” sabi ni Go.

Nagpapasalamat si Go sa Panginood dahil sa pag­layo nito sa kapahamakan at naniniwala itong ang pag­ligtas sa kanyang buhay ay dahil sa may misyong pa siyang dapat tapusin. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.