Una sa Balita

Sinaksak na, binaril pa: Helper pinagtulungang patayin

0 216

Pinagsasaksak ng isa habang pinagbabaril pa rin ng isa pang suspek ang 28-anyos na helper­ habang nakatambay kamakalawa nang gabi sa Area F Holding Area, Parola, Tondo, Maynila.

Idineklarang patay dakong alas-11:00 nang gabi sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Felizardo Virgo, helper at taga-207 Area F. Parola, Tondo dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo at kaliwang bahagi ng katawan at apat na saksak sa dibdib.

Wala naman makapagbigay sa pagkakilanlan ng mga suspek sa kabila nang marami pang tao sa lugar.

Sa impormasyong nakuha ni P/MSgt. Richard Escarlan, imbestigador ng Manila Police District-homicide section, alas-10:20 nang makarinig ng dala­wang putok ng baril ang mga naka-duty na security guard ng holding area malapit sa lugar.

Nang beripikahin ang pinanggalingan ng putok dito nila nakita ang nakahandusay at duguang biktima na kaagad isinugod ng kanyang mga kaanak sa pagamutan.

Patuloy naman inaalam ng pulisya ang motibo ng pagpaslang sa biktima at pagkakilanlan ng mga suspek na nakatakas matapos ang krimen. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy