Una sa Balita

Sinagad ng Painters

By
0 50

Pinaulanan ng three-pointers ng Rain or Shine ang TNT at ngayon ay mas maganda ang sikat ng araw para sa Elasto Painters.

Kumamada ng 31 points na naka-angkla sa pitong triples si J’Nathan Bullock at ang buong Rain or Shine ay nagbaon ng 16 na tres para gapiin ang KaTropa 106-102 kagabi at ipilit ang do-or-die game sa kanilang duelo sa PBA Governors Cup quarterfinals.

Nasaksihan ng mga tao sa Mall of Asia Arena ang mahigpit na depensa ng E-Painters na naglimita kay Glen Rice Jr. sa 19 points lang. Eight-for-28 lang mula sa field si Rice na pumasok sa laro na may average na 32.9 points.

Naka-focus agad si RoS coach Caloy Garcia sa decider bukas sa Smart Araneta Coliseum.

“We just extended the series,” ani Garcia. “We just have to prepare again for Friday’s game.”

Pagkatapos ng 16-4 na palitan sa first 5 minutes ng fourth, umabot sa 102-82 ang diperensiya ng laro at kahit nakabalik ang TNT ay laging may sagot ang Rain or Shine upang manatili sa unahan.

Tumapos si Gabe Norwood ng 15 points, nine rebounds at six assists, nagdagdag si Raymond Almazan ng 13 markers at eight boards. Sila Maverick Ahanmisi, Chris Tiu at Don Trollano ay may tig-10 points.