Una sa Balita

Sinabong secretary nanibak ng opisyal

By
0 673

Ibang klase pala kapag nasabon ng Pangulo ang isang Cabinet member dahil sa ibang tao ito gumaganti.

Ayon sa nasagap na impormasyon ni Mang Teban, sinibak daw ni secretary ang isa niyang opisyal upang makaganti sa ginawang pananabon sa kanya ng Presi­dente.

Kahit walang sapat na dahilan, tinanggal daw sa trabaho ni sir ang isa niyang opisyal sa kagawaran.

Mainit daw ang ulo ng kalihim kaya ang napagbalingan nito ay ang isang opisyal sa National Capital Region (NCR).

Eh paanong hindi iinit ang ulo ni secretary, harap-harapan ba naman itong pagalitan ng Presidente kasama ang ibang Cabinet member.

Hindi raw inaasa­han ng kalihim na siya ay mapapagalitan dahil kabilang siya sa mga itinuturing na paborito ng Chief Executive.

Pintahan niyo na. Ang Cabinet member na nanibak ng opisya­l matapos sabunin ng Presidente ay kilalang lapitin ng mga mamba­batas. May letrang M sa kanyang pangalan as in Mahal niya ay dating minahal ng iba.