Una sa Balita

Sinabon sa palpak, maanomalyang mga proyekto Mark Villar Bingo kay Duterte!

By
0 2,596

BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga gabinete na pananagutin kapag may pumalpak sa kanilang trabaho.

Partikular na winarningan ng Pangulo si Department of Public Works and Highways (DPWH) secretary Mark Villar kaugnay sa mga ginagawang malalaking proyekto ng gobyerno.

Sa kanyang talum­pati kagabi sa seleb­rasyon ng National Science and Techno­logy Week sa Davao City, sinabi ng Pangulo na wala siyang nakitang mga proyekto na natapos sa takdang panahon at hindi nabalutan ng katiwalian

Abante Hiring – IT dep

Lahat aniya ng prog­rama ng gobyerno ay iniimbestigahan kaya simula ngayon ay papanagutin ang mga kalihim na pumalpak o sumablay sa kanilang trabaho.

“I would like to call the attention of the secretaries, especially Secretary Villar, that if there is any slippage of any work of any kind by the national government. If you delay or if I see tomorrow, beginning tomorrow, and you are all invited to see me in Malacañang,” anang Pangulo.

Kapag aniya may palpak na trabaho sa mga highway, o nagkaroon ng slippage at 20% pa lang ang natatapos ay agad na sisibakin nito ang city engineer at project engineer at kakanselahin ang kontrata.

Naiinis ang Pangul­o dahil ang dinaraanan­ aniya araw-araw ng mga tao ay hindi inaayos at marami ang nahuhulog at namamatay at kapag naulit ang ganitong insidente ay pagpapaliwanagin niya ang supervisor at secretary.

“‘Pag nahulog ka diyan, nabunggo ka, unlighted, uncovered, you sue the government. Sue the government and I will sue the supervisor and maybe ask the secretary ‘kindly explain to me kung bakit ganito ang sitwasyon’,” dagdag ng Pangulo.