Sinabihang mataba, Dianne Medina pumalag

sdc
Hindi pinalampas ni Dianne Medina ang isang netizen na pinuna ang kanyang post-pregnancy body.
Sa Instagram, nagbahagi ng larawan si Dianne nang mag-host siya sa isang event. Nakasuot siya roon ng black gown.

“Ba’t ang taba?,” komento ng isang netizen.
Agad pinagtanggol ng isa pang netizen si Medina at pinaaawat ang basher sa body shaming. Doon na nagpasalamat ang Pinay actress.
“thank you haaay 🙁 nakakalungkot na hindi nila maintindihan na this is a post pregnancy body and its hard to lose weight in an instant since im also breastfeeding grabe noh,” sey ni Dianne, na sinilang ang kanyang panganay two months ago.
https://www.instagram.com/p/CH4BNL3plDB/?utm_source=ig_web_button_share_sheet