Una sa Balita

Sin tax taasan pa

0 295

Dear Abante,
Magandang araw po sa inyo.

Nais ko lamang pong iparating ang aming pagsuporta sa muling pagtataas ng sin tax sa ating bansa.

Malaki po ang naitutulong nito sa ating bansa lalo na sa ating sektor pangkalusugan.

Kung itataas pong muli ang buwis sa sigarilyo at alak magiging malaki po ang benepisyo nito sa ating mga kababayan.

Sa tingin ko rin po dapat pong i-maximize ang pagtataas ng buwis nito sa merkado. Makatutulong na ito sa mga may sakit na may kaugnayan sa mga bisyong ito at makatutulong din ito sa pagbawas o pagbaba ng bilang ng mga magkakasakit pa.

Isa itong panalo ng bawat Pilipino kung kaya’t patuloy natin itong suportahan. Salamat po and more power!
Vicensio ng Makati

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy