Una sa Balita

Simulated Birth Rectification Act of 2018, niratipikahan na

By
0 843

Hindi magtatagal, mapadadali na ang adoption process sa unwanted children ngayong naratipikahan na ng Kongreso ang pinagtibay na Senate Bill 2081 at House Bill 5675 o Simulated Birth Rectification Act of 2018.

Layon ng panukala na paikliin ang judicial process sa pag-aampon ng bata na kasalukuyang umaabot sa anim na buwan na proseso bago tuluyang maibigay sa mga pros­pective parent.

Gagawaran din ng amnestiya ang mga batang aampunin upang pahintulutan silang baguhin ang kanilang birth record.
Ang mga gagawaran lamang ng amnesty simu­lated birth record ay ang kabataang walang criminal, civil at adminis­trative liability.

Ayon kay Senadora Grace Poe, may akda ng panukala, magiging madali ngunit magastos ang adoption process kung saan hindi na kaila­ngan pa ng mga prospective parent na magpunta ng naaayong korte para maghain ng petisyon.

Sa pinadaling prose­so, maaari nang maghain ang mga nagnanais na magulang sa Social Welfare and Development Officer o sa city o municipality ng kasaluku­yang tinitirahan ng bata.

Oras na makamit ang mga kinakailangang dokumento para sa admi­nistrative adoption, kukunsiderahin ng legitimate child ito ng nag-ampon. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy