Una sa Balita

Simula ng padyakan, Cariño walang atrasan

0 194

TAGAYTAY CITY – Buo ang loob na makikipagpadyakan si defending champion El Joshua Cariño laban sa mga tigasing foreign at local ri-ders paglarga ng 10th-year celebration ng Le Tour de Filipinas na magsisimula ngayong araw.

May distansiyang 129.5 kms. ang Stage 1 na magsisismula at magtatapos sa Tagaytay City, maiksi pero isa sa matinding karera dahil may akyatin tulad sa bandang Talisay, Sampaloc Road.

Bitbit ang Philippine National Team, ang ibang kasama ni Cariño ay ang teammates nito sa Philippine navy-Standard Insurance na sina Jan Paul Morales, Ronald?Oranza, Junrey Navarra at Jhon Mark Camingao.

Pinakamahabang kaskasan ang Stage 2 na may 194.90 kms. at halos nagkasundo ang mga koponan na ito ang pinakamahirap na lap na babaybay sa Pagbilao, Quezon pa-puntang Daet sa Camarines, Norte.

Ilalarga ang Stage 3 sa Linggo, may haba itong 183.70 kms. mula Daet hanggang Legazpi City habang ang Stage 4 ay may layong 176.00 kms., papadyakan sa Legazpi City via Sorsogon at Gubat at babalik sa Albay capital. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy