Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Simula na ng batuhan ng putik!

0 110

Ngayong halos buo na ang line-up ng mga tatakbong presidente sa 2022 election mga Kabalitaktakan…

Mistulang nagsimula na rin ang batuhan ng putik o ang “banatan” ng mga kagalang-galang na kandidato para sa pagka-pangulo ng Pilipinas.

Umarangkada na ang patutsadahan mula sa mismong kandidato mga Kabalitaktakan hanggang sa kanilang mga taga-suporta.

Nakalulungkot mga Kabalitaktakan na umaabot pa sa “personalan” ang “bira” ng magkabilang kampo na tila baga hindi na naubusan ng “bala” o “birada” laban sa isa’t-isa.

Bagamat sinasabi ng mga nakatatanda mga Kabalitaktakan na “normal” na sa Pilipinas sa kasalukuyang panahon ang ganitong hakbang tuwing sasapit ang halalan…

Marami pa rin ang nagtatanong: kailangan ba talagang mag-siraan at magbatuhan ng putik ng mga kandidato at mga taga-suporta ng mga ito?

Hindi ba pwede mga Kabalitaktakan na maging “mahinahon” at propesyunal ang tunggalian ng mga tinaguriang “kagalang-galang” na kandidato?

Dapat ba talagang ituon ang atensyon sa mga pagkukulang, kapalpakan o pagkaka-mali ng isang kandidato ang usapan mga Kabalitaktakan?

Mali bang ituon sa mga “accomplishment” o magagandang nagawa ang talakayan ng mga magkakalabang kandidato?

Dahil sa bandang huli, ang “bottomline” nito ay lahat naman ng mga kandidato at taga-suporta ng mga ito ay pawang mga Pilipino.

Masaklap pa nito, bukod sa dating magka-kapartido at magkaka-alyado mga Kabalitaktakan…nagkaka-iringan din maging ang mga magkakaibigan at magkaka-anak dahil sa magkaka-ibang kandidatong sinu-suportahan.

Dumarating din sa puntong, may nagbubuwis o ibinubuwis na buhay dahil sa pulitika kaya’t madalas na tumataas ang tinatawag na “election-related violence”.

Pagka-pangulo pa lang ang pinag-uusapan natin mga Kabalitaktakan…paano na kung isasama pa natin sa talakayan ang mga tatakbo sa pagka-bise presidente, senador, kongresista hanggang sa pinaka-mababang posisyon sa gubyerno?

Tanong tuloy ni Juan dela Cruz mga Kabalitaktakan…”worth” ba talaga na itaya ang buhay at pagkatao para lamang sa kandidato?

Ano ang mapapala ng bansa sa ganitong uri ng “kalakaran” tuwing may halalan at hanggang kailan mamamayagpag ang “kulturang” ito sa bansa?

Sapat ba ang kasalukuyang batas na umiiral mga Kabalitaktakan para sugpuin ang ganitong uri ng hakbang?

Kaya ba ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na ibalik sa “normal” ang sitwasyon?

Minsan tuloy nasasambit ni Juan dela Cruz na maigi na rin at nagka-pandemya dahil tiyak aniyang mas matindi ang magiging “salpukan” ng mga kandidato at mga taga-suporta ng mga ito kung may harapang mangyayari sa kampanya.

Kung kayo ang tatanungin mga Kabalitaktakan, kailangan ba talagang mag-siraan at magbatuhan ng putik ng mga kandidato?

Normal o bahagi na ba talaga ito ng kulturang Pilipino tuwing may idaraos na halalan?

Well, kung ako ang tatanungin mga Kabalitaktakan…mas makabubuti kung sa plataporma at “accomplishment” itutok ng mga kandidato ang kanilang oras sa panahon ng pangangampanya.

Hanggang dito lang mga Kabalitaktakan at pag-aaralan ko munang maigi kung sinu-sinong kandidato ang marapat para sa boto ko!

Staysafe at GOD Bless, yun oh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.