Una sa Balita

Simpson, Teng, Alaska minasaker ang KaTropa

0 224

Mga laro bukas, Martes, sa Araneta Coliseum
4:30 — pm Magnolia Hotshots vs Barangay Ginebra
7:00 — pm Rain Or Shine e-Painters vs Blackwater Elite

Nakakuha ng pag-asa ang Alaska na makatuntong sa semifinals nang makapuwersa ng isang matira-matibay na labanan sa pagdemolis sa TNT, 108-72, Linggo ng gabi sa quarterfinals ng 44th Philippine Basketball Association 2019 Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

‘Di pinanghinaan ng lakas ang Aces na kagagaling lang sa do-or-die game kontra­ Meralco nitong Biyernes (108-103) upang muling makahugot ng isa pang paghi­nga sa tinalang nakaya­yanig na 36 puntos na panalo ng 8th seed Aces kontra top seed KaTropa.­

Pinangunahan sa pangalawang sunod na pagkakataon ni Diamond Simpson ang ragasa ng Aces sa nilaklak na 15 points, 19 rebounds, 4 assists, 4 blocks at 2 steals sa 27:52 job.

“We prepared well, study as a team, big congratulation to coach (Alex Compton) he prepared hard,” namutawi kay ni Simpson. “We take it one game at a time, live another day, really prepare and be ready for the war.”

Nagkainitan sina Carl Bryan Cruz ng Aces at KaTropa import Terrence Jones sa pagtatapos ng third quarter kung saan abante na ang Alaska ng 87-60. Tinulak ni Jones sa parteng leeg si Cruz na nagbigay dito ng flagrant penalty 1 at mapaupo ng tatlong minuto sa simula ng fourth period.

Ang dalawang puntos ni Cruz mula sa deliberate foul ni Jones ang nagtulak sa Alaska na maitala ang 27 puntos na abante sa natitirang 0.8 segundo ng third. Dumistansya ng hanggang 38 ang mga maggagatas. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy