Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Simpleng quarantine agad ipatupad – Lacson

0 33

Umapela si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa National Task Force Against COVID-19 na pabilisin ang pagpapatupad ng standard quarantine protocol sa mga Pinoy na nabakunahan sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Ito’y para mapaluwag ang paggalaw ng mga umuuwing overseas Filipino worker (OFW) at mapanumbalik ang masiglang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Lacson, hindi na makakapaghintay pa ang ekonomiya kaya’t dapat nang pabilisin sa pamamagitan ng mas pinagaang na sistema ng paggalaw ng mga ganap nang nabakunahan laban sa COVID-19.

“Please make it sooner, not later. Mind the economy for a change,” pana­wagan ni Lacson sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Una nang isiniwalat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na bumabalangkas na ng sistema ang task force, kung saan ang mga OFW na kumpirmadong kumpleto na ang bakuna ay itutulad na lamang sa mga ganap nang bakunado na nasa bansa lamang ang pag-quarantine.

Iminungkahi din ni Lacson ang pagkakaroon ng vaccine passport system upang maging madali ang biyahe sa bansa ng mga dayuhang mamumuhunan, OFW at balikbayan na nakakumpleto na ng bakuna sa mga bansang pinagmulan. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.