Una sa Balita

Simpleng big time

By
0 513

Sinong sabungero ang hindi nakakakilala kay Charlie ‘Atong’ Ang? Isa sa mga alamat sa sabong, iniidolo at higit sa lahat inirerespeto.

Edad 12 nahilig sa sabong si Atong, sumasama sa tupada at pumapasok na sa sabungan ng Mandaluyong noong 15-anyos ito.

Kilalang big time sabungero, walang inaatrasan kahit kapwa tigasing mananabong, kakasahan kahit gaano kalaki ang parada ng kalaban, sa madaling salita matapang sa laban. ‘Yan ang pagkakakilala ng mga sabungero kay Atong Ang.
Pero may mga hindi nakakaalam ng ibang katangian ng sikat na sabungero sa buong Pilipinas.

Boss Atong ang tawag sa sabungan, masasabing isa siyang magandang halimbawang sabungero.

Hindi lang sugal ang galawan, may malasakit si Atong Ang sa sabong, handang tumulong sa mga kapwa sabungero, big time o small time at may pusong mapagbigay at pagmamahal.

“Nag-iba outlook ko sa buhay, noon libangan at sugal talaga pero lately habang tumatagal, naiisip ko na dapat may gawin ako para sa sabong,” saad ng 61-anyos.

Nagbago ang pananaw ni Atong Ang nang mapansin nitong gumugulo ang sabong sa Pilipinas, kaya hindi ito nagdalawang isip na magtayo ng grupo at pamunuuan ang magandang hakbang para sa ikaaayos at ikagaganda ng sabong.

“Nakita ko kasi na parang gumugulo na kaya inayos ko, kung hindi ako pumasok dito palagay ko ang gulo na talaga ng sabong,” hayag ni Ang na 49 years nang sabungero.

Pinamunuan ni Atong ang pag-organisa ng World Pitmasters Cup, kasama niya ang ibang respetadong big time sabungero at dahil dito muling namayagpag ang mga breeder at negosyante ng mga patuka at gamot ng mga panabong na manok.

“Ginawa namin ang Pitmasters Cup hindi para kumita, kundi tumulong talaga sa mga tao, tulad ng mga breeder at negosyante,” ani Ang. “ ‘Yung kinita namin sa PitMasters Cup eh nagpagamot kami ng tao.”

Simpleng manamit, walang angas sa katawan, marunong rumespeto, marunong din magalit, halos lahat na kay Atong Ang na, marangya at parang artista sa kasikatan sa larangan ng sabong subalit para sa kanya isa lang siyang ordinaryong tao.

Q&A
Abante: Paano kayo nahilig sa sabong?

Ang: Noong bata ako sa Mandaluyong, mga kapitbahay namin mga sabungero, pinanonood ko sila kung ano ginagawa nila sa manok at tuwing linggo ay sumasama ako sa kanila sa tupada.

Abante: Kailan po kayo naging big time?
Ang: Mga 25 napasok na ako sa bigtime sa San Juan, pero sa Mandaluyong ako nagsimula magsabong.

Abante: Meron po ba kayong paboritong ilaban sa derby o bloodline?
Ang: Wala, ang sa akin basta umaangat at may cutting manok ko ‘yun ang ilalaban ko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy