Una sa Balita

SIMOY-PASKO NA!

By
0 1

Literal na ‘Christmas is in the air’ na dahil nagpaalam na ang Habagat sa Pilipinas at umentra na ang Amihan.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mararanasan na sa susunod na linggo ang malamig na simoy ng Amihan o ang tinatawag na northeast monsoon.

Paliwanag ni Pagasa forecaster Gener Quitlong, nasa transition na ang klimang iihip sa bansa – kung dati ay maalinsangan, unti-unti na raw itong lalamig hanggang sa maramdaman ang tila simoy ng malamig na air condition lalo na sa gabi hanggang sa bukang-liwayway o madaling-araw.

Mula sa dating 25-35ºC, mararamdaman na ang lamig na posibleng pumalo sa hanggang 28ºC.

Sa kabila nito, hindi pa rin inaalis ang posibilidad na may pumasok pang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Tinatayang limang bagyo pa ang papasok sa Pilipinas bago matapos ang taon.