Una sa Balita

Simon Rex binayaran para wasakin si Meghan Markle

0 752

Ni-reveal ng aktor na si Simon Rex na binayaran siya ng British tabloids para magsalita na nakarelasyon niya noon ang Duchess of Sussex na si Meghan Markle.

Inamin ng 45-year old actor and former MTV VJ na binayaran siya ng $70,000 para mag-exaggerate ng details sa naging relasyon daw nila ni Meghan.

“Nothing happened. We never even kissed. It was just, like, we hung out once in a very non-dated way. She was just someone I had met on a TV show and we got lunch. That was the extent of it,” pag-amin ni Rex sa isang podcast.

Nakilala ni Rex si Meghan sa short-lived series na Cuts in 2005.

Noon pa man ay hinahanapan na ng British tabloids ng dirt si Meghan bago pa man ito ikasal kay Prince Harry.

Dagdag pa ni Rex: “When that story broke, a couple British tabloids offered to pay me a lot of money to say a lie that we actually hooked up. I said no to a lot of money because I didn’t feel right lying and f—— up the royal f—— family.”

Nag-file nga ng legal action si Harry noong nakaraang October 2019 dahil sa pambu-bully ng ilang British tabloids kay Meghan. (Ruel Mendoza)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More