Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Simbolo ng kasaganaan

0 144

May ibig sabihin din po ba kung paulit-ulit akong nananaginip ng tungkol sa kuneho? Hindi naman po magkakasunod na araw pero basta nananaginip ako na may kuneho.

– Sofi

Ikinokonsidera bilang lucky omen ang mga kuneho sa panaginip dahil konektado ito sa kung paano natin kinokontrol ang sitwasyon para makamit ang sariling tagumpay.

Dahil nga token ng good luck ang mga kuneho, sa pangkalahatan ay sinasabi ng panaginip mo na makakaranas ka ng magagandang pangyayari sa iyong buhay sa mga susunod na araw. Pero dahil hindi mo idinetalye nang husto ang laman ng iyong panaginip, iisa-isahin natin kung ano-ano ang mga posibleng kahulugan nito.

Ang brown na rabbit ay may kaugnayan sa kasagaan at maaaring nakikita ka ng iba bilang isang mahinang indibwal, pero alam mo sa iyong sarili kung ano ang mga lakas mo.

Kung mukhang takot ang kuneho na nakita mo sa iyong panaginip, sinasabi nito na may mga bagay sa buhay mo ngayon ang hindi mo pa sigurado. Maaaring nasa punto ka ngayon na kailangan mo nang gumawa ng mahalagang desisyon.

Related Posts

Pero dahil nga simbolo ng suwerte ang mga kuneho, sa gitna ng kawalan ng kasiguraduhan ay makakahanap ka ng pagkakataon para makahanap ng kasagutan.

Gayunman, kung sa panaginip mo ay naghihingalo na ang kuneho, hindi ito magandang pangitain sa iyong waking life dahil magdadala ito ng tiyak na kalungkutan lalo pa kung ikaw mismo ang nag-alaga dito.

Sa kabila naman nito, maaaring maiugnay sa ganitong panaginip ang mga pagbabago na mangyayari sa iyo—na patungo sa success o promosyon mo sa career.

Sa ibang mga kahulugan, ipinahihiwatig ng kuneho sa panaginip ang sex dahil sa paraan nila ng pagpaparami, pwede rin itong mangahulugan ng bagong simula at ng kasiyahan para sa taong nanaginip nito.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.