Una sa Balita

Simbahang Katolika sa Pilipinas nakidalamhati

0 343

NAKIKIISA ang Simbahang Katolika sa Pilipinas sa pagdadalamhati ng mga mananampalataya sa Paris dahil sa pagkasunog ng Notre Dame Cathedral.

“The Mother Church of the Philippines grieves with the Mother Church of Paris. As a church that suffered various calamities and des­truction throughout the centuries, the Manila Cathedral grieves with the church in France for the fire incident in their beloved Notre Dame Cathedral.

But amidst this grief, the resurrection of our Lord Jesus signals the hope of rebirth and reconstruction. As St. Paul says in his letter to the Corinthians, “we are hard pressed on every side, but not crushed; perplexed, but not in despair; persecuted, but not abandoned; struck down, but not destroyed,” pahayag ng Manila Cathedral sa kanilang official facebook page.

Kumpiyansa naman si Ozamis Archbishop Martin Jumoad na muling maipapaayos ang nasirang bahagi ng cathedral.

Tiwala naman si Bala­nga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na nananatiling matatag ang pananampalataya ng tao sa Panginoon sa kabila ng insidente.

Kabilang din sa mga nagpadala ng mensahe at pakikiisa sa nangyaring trahedya sina New York Archbishop Cardinal Timothy Dolan; Quebec Archbishop Gerald Cyrien Lacroix; Chicago Archbishop Cardinal Blasé Cupich; Toronto Archbishop Cardinal Thomas Collins; Philadelphia Archbishop Charles Chaput; Westmins­ter Archbishop Cardinal Vincent Nichols.

Hinihikayat din ng mga arsobispo ang lahat ng mananampalataya na ipanala­ngin ang mga mananampalataya ng Paris gayundin sina Paris Archbishop Bishop Michel Aupetit at sa rector ng cathedral na si Bishop Patrick Chauvet. (Mia Billones)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy