Una sa Balita

Simbahang Katolika bilib kay Bam

By
0 311

IKINATUWA ni Senador Bam Aquino ang panawagan ni Manila Auxiliary Bishop Bro­derick Pabillo sa mga mananampalataya na tulungan ang senatorial candidates na napili ng People’s Choice Movement (PCM).

“Ang simbahan ang konsensiya ng bayan, sana ay dinggin ng ating mga kababayan ang kanilang gabay,” saad ni Aquino na kasama sa 10 senatorial candidates na susuportahan ng PCM.

Sa kanyang Facebook post, pinapurihan ni Bishop Pabillo ang PCM na binubuo ng Catholic, Evangelical at Protestant groups, sa pamimili ng best senatorial candidates para sa May elections.

Nasa 130 kinatawan mula sa iba’t ibang religious organization ang pumili sa 10 kandidato batay sa kanilang cha­racter at honor, competence at abilidad kasama na ang katapatan sa serbisyo publiko at sa Diyos, sa Constitution at mga batas.

“There are still two months for all to do this particular exercise of the Christian faith,” saad ni Bishop Pabillo.
Bukod kay Aquino, napili rin sina human rights lawyer Chel Diokno, dating solicitor general Pilo Hilbay, dating congressmen. Erin Tañada at Neri Colmenares, civic leader Samira Gutoc, election lawyer Romulo Macalintal, Cong. Gary Alejano, dating Sen. Mar Roxas at Sen. Grace Poe. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy